Tuesday, May 29, 2012

bitch please

eh ano kung guilty ako?! eh ano kung natanggal ako sa pwesto?! pakelam ko sa inyo?!

ang importante mayaman ako at ninakawan ko kayo!

at hindi nyo papansinin yon!

lilipas din ito pagkatapos ng isa o dalawang linggo kapag nagsawa na kayo! o kapag meron kayong bagong artistang patitripan dahil iniwan sya ng syota nya dahil bading sya! oh kung meron mang mga edukado-edukada na magsuntukan sa "erporrt"!

o kahit ano basta may mapagusapan lang! kahit ano basta bida ka! oh sige, ikaw na!

hindi mo mapapansinin yon!

kung may papansin man, wala kang magagawa dahil nasa pilipinas ka at mahirap ka! at kung may mayaman man, mas mayaman ako, at babayaran ko lang sya gamit ang perang ninakaw ko sa inyo!

at hindi pa tapos to, isa lang ako sa mga nakagawa neto, at marame pang susunod sa amen kaya ihanda nyo na ang mga pera nyo!

bwahahaha!!!