nagsisimula na naman ang isang taon, binibilang natin itong ika-dalawang libo at ika-labing dalawang taon matapos ang kapanganakan ng, pasintabi sa ibang paniniwala, Tagapagligtas. at halos kasisimula pa lang rin ng aking ika-dalawampu't walong paglalagi sa mundong ibabaw, ay nakakatawang isipin na kung ang pagbabasihan ay ang karaniwan na pagbibilang at pag-iisip ng tao, na sinisimulan sa unang saglit ng taon, ay magmimistulang madadagdagan agad ito ng isa. ano nga naman at gaano karami ang maaring mangyari sa loob ng labing isang buwan?
sa usaping damdamin, ito ay masasabing puno ng saya at galak, kasama ang mga mahal sa buhay at kaibigan. sa pansariling laban, ginagawa ko ang lahat ng upang lalo pang mapabuti ang sarili, ayon sa nararapat. ngunit bilang isang tao rin lamang, ginagawa ko ang lahat upang ma-itago, ma-ibsan, o ma-pukaw ang pangamba, na likha ng tas-tas ng ala-alang nakaraan, at hibla ng pala-isipang hinaharap. sa kabila ng lahat, tamis man o pait, nagpapasalamat ako sa kahapon, at umaasa na patuloy na magiging malugod ang bukas.
heto't ini-isang tabi na, ang iba pang mga bagay ay halos di' bigyan pansin. at sa iyo, ikaw na naririto, yayakapin at buong loob kitang tatangapin..
maligayang bagong taon, ngayon! ^^
- * - = - * -