Tuesday, October 2, 2012

lawyered (cyber edition)

ang haba pucha di ko na binasa lahat! wak na to', may maipilit lang kasi.. takte..

para saken kasi simple lang eh, hanggang ngaun sa mga paaralan eh binubulabog pa rin natin ang lahat ng sulok ng buhay ni utol, jose rizal.. kasi may gusto tayo ipaalala na ginawa nya.. kasi meron syang pinaglaban.. kalayaan..

nung una kala q trip lang, kaya wala ako panahon basagin.. eh ngaun, pucha ano to?! (click on the link para maki-chizmax)

http://www.gov.ph/2012/09/12/republic-act-no-10175/

>.<

Tuesday, May 29, 2012

bitch please

eh ano kung guilty ako?! eh ano kung natanggal ako sa pwesto?! pakelam ko sa inyo?!

ang importante mayaman ako at ninakawan ko kayo!

at hindi nyo papansinin yon!

lilipas din ito pagkatapos ng isa o dalawang linggo kapag nagsawa na kayo! o kapag meron kayong bagong artistang patitripan dahil iniwan sya ng syota nya dahil bading sya! oh kung meron mang mga edukado-edukada na magsuntukan sa "erporrt"!

o kahit ano basta may mapagusapan lang! kahit ano basta bida ka! oh sige, ikaw na!

hindi mo mapapansinin yon!

kung may papansin man, wala kang magagawa dahil nasa pilipinas ka at mahirap ka! at kung may mayaman man, mas mayaman ako, at babayaran ko lang sya gamit ang perang ninakaw ko sa inyo!

at hindi pa tapos to, isa lang ako sa mga nakagawa neto, at marame pang susunod sa amen kaya ihanda nyo na ang mga pera nyo!

bwahahaha!!!

Tuesday, January 10, 2012

time capsule

higit tatlong taon na pala ang nakalipas nang simulan kong subukan, na ipinta ang aking nararamdaman gamit ang tinta ng pag-iisip dito sa isang sulok at pader ng kaunlaran. at kung babalikan ang mga pangyayari, hindi patas na ikumpara ang sarili sa pagkatao ko noon at sa ngayon. at sa tingin ko, hindi na rin kailangan pang banggitin na pareho sila na may kalakasan at kahinaan. kung ang paligoy-ligoy ay wawakasan, isa lang naman ang nais kong isulat sa kapirasong papel ng kasalukuyan.. ngunit ito'y halos ka-babanggit ko lamang.. uulitin ko na lang, gaya ng ginagawa ng tinatawag nating oras..

nagsisimula na naman ang isang taon, binibilang natin itong ika-dalawang libo at ika-labing dalawang taon matapos ang kapanganakan ng, pasintabi sa ibang paniniwala, Tagapagligtas. at halos kasisimula pa lang rin ng aking ika-dalawampu't walong paglalagi sa mundong ibabaw, ay nakakatawang isipin na kung ang pagbabasihan ay ang karaniwan na pagbibilang at pag-iisip ng tao, na sinisimulan sa unang saglit ng taon, ay magmimistulang madadagdagan agad ito ng isa. ano nga naman at gaano karami ang maaring mangyari sa loob ng labing isang buwan?

sa usaping damdamin, ito ay masasabing puno ng saya at galak, kasama ang mga mahal sa buhay at kaibigan. sa pansariling laban, ginagawa ko ang lahat ng upang lalo pang mapabuti ang sarili, ayon sa nararapat. ngunit bilang isang tao rin lamang, ginagawa ko ang lahat upang ma-itago, ma-ibsan, o ma-pukaw ang pangamba, na likha ng tas-tas ng ala-alang nakaraan, at hibla ng pala-isipang hinaharap. sa kabila ng lahat, tamis man o pait, nagpapasalamat ako sa kahapon, at umaasa na patuloy na magiging malugod ang bukas.

heto't ini-isang tabi na, ang iba pang mga bagay ay halos di' bigyan pansin. at sa iyo, ikaw na naririto, yayakapin at buong loob kitang tatangapin..

maligayang bagong taon, ngayon! ^^

- * - = - * -