Friday, August 19, 2011

this just in!

Nitong mga nakaraang linggo nagkaroon ako ng pagkakataon para makapaglaboy, mapagisa, makapagisip, kumain ng balat ng manok ni manong sa kanto, at kung anu-ano pa.. At kanina, since wala kaming pasok sa bangko, nagkaroon ako ng mas mahabang tambay sa banyo, na isa sa mga paborito kong lugar para makapagisip btw, at nakaisip ako ng nakakadiring ideya: ang gamitin ang tumblr account ko!

Minsan naisip ko na gustong-gusto ng buong kalawakan ang pakikipagkwentuhan sa atin.. At sa tingin ko, magaling sya magkwento na kasing galing niya makinig.. Ang tanong, “adik ka ba!!??”.

Sino ba naman ang taong nasa tamang pagiisip na sasabihin na; ginigising tayo ng buong kalawakan sa umaga gamit ang huni ng mga ibon, sa tunog ng ulan, o sa init ng araw na tatama sa mukha naten galing sa bintana, o minsan, sa huni ng mga kapitbahay na nagchichismisan; na sinasabi sa aten ng kalawakan kung saan ka magandang kumain sa tanghali gamit ang pinapadala niyang mga leaflet, o sa pinapadala niyang mga kaibigan mu para yayain ka mananghalian, o sa hindi mo malamang dahilan na biglang gusto mo kumain ng palaka; na hanggang gabi inaalalayan ka nya pauwi gamit ang mga walang kwentang road sign ng mmda na nakatago sa makapal na puno na nagsasabing “no u-turn” at paparahin ka ng kaibigan mong pulis at hihingin ang lisensya mo pero mas gusto mo na lang na bigyan siya ng pangmiryenda (trip lang!); na inaawitan ka ng kalawakan hanggang sa pagtulog mo gamit ang kantang “ignorance” ng paramore, o kung suswertehin ka, sa huni pa rin ng mga kapitbahay mong malulupet kumanta sa bidyoke habang dumidighay, o hindi mo lang talaga alam na dumidighay lang pala talaga siya sa simula pa lang..

Ngayon, gusto kong bigyang daan ang mga kwento ng kalawakan.. Susubukan ko ilagay sa tumblr account ko ang mga sa tingin ko ay kinukwento niya gamit ang (but not limited to) mga sinasabi ng mga tao sa paligid ko, sa mga naririnig kong chismax, sa mga kanta, sa mga palabas, sa radyo, at kung anu-ano pang s#!t.. Hmmm.. At tatawagin ko itong “Random Thought Booster”!! Bwa Ha Ha Ha Ha!! (thunder strikes somewhere).. Ang baduy shet! T@e kelangan ko ng gwapong pangalan.. Ah basta..

Bilang panimula, nung isang araw, naghahanap ako ng fx papuntang market-market habang nasa tapat ng isang iskwelahan sa pasig.. Si “koia barker”, ay tamang badtrip, o tamang madaldal lang talaga sila sa mga kung anu-ano, ay may binanggit sa mga estudyante na naghihintay ng sasakyan..

“Mahirap kayong intindihin, pero madali kayong unawain..”

Lupet ni “Koia” noh? ^^




No comments: