Saturday, October 15, 2011

expiration date

parang isang bagyo. parating na sya. kahit anong mind over matter. mararamdaman at mararamdaman mo. magmamarka na naman ba ako ng isang ekis sa buhay ko? ayoko na. nakakasawa na. nakakainis na. oo putcha nakakalungkot. nakakaiyak. nakakahiya na kung sa nakakahiya.

bilib din naman talaga ako sa "tayming" mo. sumabay ka pa! hindi na talaga nakakatuwa. hindi ko na talaga alam kung tanga ako o tanga lang talaga ako.

redundant na kung sasabihin kong walang sense..

Sunday, September 18, 2011

ako_si_elmo

isang mabilis lang..

mukhangmasyadongmaramingnangyayaringayonsabuhaykomasyadongmabilisdirediretsomalupetura-uradabakaisa-isahinkorinangmgadetalyesasusunod..

walaakongideyasapwedengkahinatnanangmgaitosiguronamannararamdamanmonasapagtyatiyagamopalangsapagbasanetokungsabagayhindinamantalagaakoyungtiponamagalingmagplanongpangmatagalanyung "long-term" baperominsannamannagagawakominsanchambaokayanamanminsanchambaparinahbastabastabamasayaanglahatgamelang!

atiyonsiguroanggustokonggawingpuntongayonanggumawang "beacon" parasasarilikokungmakalimutankomankungsinoakookungnakalimutankonabagokopagawintobastamulasapuntongitonagiisaatwalangibaakoitoisangmalupet..

ako!! ako si elmo!

minsanmayisangkamote.. ^^

Friday, August 19, 2011

this just in!

Nitong mga nakaraang linggo nagkaroon ako ng pagkakataon para makapaglaboy, mapagisa, makapagisip, kumain ng balat ng manok ni manong sa kanto, at kung anu-ano pa.. At kanina, since wala kaming pasok sa bangko, nagkaroon ako ng mas mahabang tambay sa banyo, na isa sa mga paborito kong lugar para makapagisip btw, at nakaisip ako ng nakakadiring ideya: ang gamitin ang tumblr account ko!

Minsan naisip ko na gustong-gusto ng buong kalawakan ang pakikipagkwentuhan sa atin.. At sa tingin ko, magaling sya magkwento na kasing galing niya makinig.. Ang tanong, “adik ka ba!!??”.

Sino ba naman ang taong nasa tamang pagiisip na sasabihin na; ginigising tayo ng buong kalawakan sa umaga gamit ang huni ng mga ibon, sa tunog ng ulan, o sa init ng araw na tatama sa mukha naten galing sa bintana, o minsan, sa huni ng mga kapitbahay na nagchichismisan; na sinasabi sa aten ng kalawakan kung saan ka magandang kumain sa tanghali gamit ang pinapadala niyang mga leaflet, o sa pinapadala niyang mga kaibigan mu para yayain ka mananghalian, o sa hindi mo malamang dahilan na biglang gusto mo kumain ng palaka; na hanggang gabi inaalalayan ka nya pauwi gamit ang mga walang kwentang road sign ng mmda na nakatago sa makapal na puno na nagsasabing “no u-turn” at paparahin ka ng kaibigan mong pulis at hihingin ang lisensya mo pero mas gusto mo na lang na bigyan siya ng pangmiryenda (trip lang!); na inaawitan ka ng kalawakan hanggang sa pagtulog mo gamit ang kantang “ignorance” ng paramore, o kung suswertehin ka, sa huni pa rin ng mga kapitbahay mong malulupet kumanta sa bidyoke habang dumidighay, o hindi mo lang talaga alam na dumidighay lang pala talaga siya sa simula pa lang..

Ngayon, gusto kong bigyang daan ang mga kwento ng kalawakan.. Susubukan ko ilagay sa tumblr account ko ang mga sa tingin ko ay kinukwento niya gamit ang (but not limited to) mga sinasabi ng mga tao sa paligid ko, sa mga naririnig kong chismax, sa mga kanta, sa mga palabas, sa radyo, at kung anu-ano pang s#!t.. Hmmm.. At tatawagin ko itong “Random Thought Booster”!! Bwa Ha Ha Ha Ha!! (thunder strikes somewhere).. Ang baduy shet! T@e kelangan ko ng gwapong pangalan.. Ah basta..

Bilang panimula, nung isang araw, naghahanap ako ng fx papuntang market-market habang nasa tapat ng isang iskwelahan sa pasig.. Si “koia barker”, ay tamang badtrip, o tamang madaldal lang talaga sila sa mga kung anu-ano, ay may binanggit sa mga estudyante na naghihintay ng sasakyan..

“Mahirap kayong intindihin, pero madali kayong unawain..”

Lupet ni “Koia” noh? ^^




Sunday, April 24, 2011

oy!

one elmorre: oy! musta na?! nabuhay ka?!

two elmorre: linggo kasi ng pagkabuhay..

one elmorre: weh!? korny mu ha.. hindi ka kaya mahilig maki-uso, or makisabay sa mga tao! lokohin mo lelang mu! takot ka sa tao eh! nyaha! peace!

two elmorre: ehehehehe.. nagkataon lang men.. kakagaling ko lang kasi sa labas, nagpahangin, nag-isip (kung meron isip).. tsaka wala rin makausap ng matino eh.. yoko rin naman magdota, grraduweyt na 'ko don men! ayuz ba?!

one elmorre: tadew! ay teka, ano sa tingin mu saken, matino kausap? naks! nambobola pa si gagew.. so ano na nangyari sau? anu mga pinagkakaabalahan mu netong nakaraan?

two elmorre: wala lang.. nakakabanas nga eh, kasi.. hmm... kasi... aaaa... ayun! hhhmmm.. well actually wala lang talaga..

one elmorre: try mu kasi gumawa ng iba..

two elmorre: huh? watcha mean?!

one elmorre: alam mu na, kaya kasi wala nangyayari na bago sayo eh kasi, yon! same statement, baligtarin mo lang ng konte..

two elmorre: labo mo kaya!

one elmorre: o sige clue.. ganito yan eh.. ahh.. hhmm... teka! sabi ko nga kasi same statement eh! pero baligtarin mo lang ng konte! yun na rin kasi ung clue eh! ambobo neto.. nag-grade one ka ba?!

two elmorre: eh ang gulo mo kaya! ano nga kasi yown?!

one elmorre: kaw ang magulo! kasi un na nga kasi, kung ano ung tanong, eh un na rin kasi ung clue, and at the same time un na rin ang sagot! sinabi ko na kasi.. tapos kasi parang ang gusto mong mangyari eh "ulitin ko" ung "pag-ulit" ko ng statement, which is, kapag "inulit" ko ung "pag-ulit" ng statement na yon, eh magiging "paulit-ulit" na lang ang "pag-uulit" ko, where-in mawawalan ng sense ung "pag-ulit" kasi nga hindi mo binaligtad ng konte.. o sige, tignan mu, try mu mag-isip.. 10x mo "ulitin" ang pag-iisip.. malalaman mo na ang simple-simple lang naman kasi nang dapat mong gawin, "ulitin" mo lang ung unang statement na yon pero baligtarin mo lang ng konte, para hindi na "maulit" ung kung ano mang "pa-uli-ulit" na mali na ginagawa mo kung meron man.. isipin mo na lang na parang last na "ulit" na lang ang gagawin mong "pag-ulit", para hindi mo na kelangan "magpa-ulit-ulit".. engot neto..

two elmorre: ah ganun ba? ok ngaun getz ko na kung ano un.. nung una kasi paikot-ikot ka pa eh! apir!

one elmorre: apir!

^^