Sweldo mo na ba? Alam na!
Ok ganito, sa loob ng tatlong segundo pagkatapos ko pakawalan ang tanong, kelangan mo sabihin saken ang pinakaunang sagot na papasok sa isip mo. Game? Game.
"Nanalo ka sa lotto ng 200 million pesos. Ano ang gagawin mo sa pera?"
Three. Two. One.
Eeeeeennngggkkk!! Time's up!
Siguro madami-dami na rin sa mga kakilala ko ang pinag-tanungan ko nyan, pero halos lahat ay magkakapareho ng sagot. Siguro naman may ideya ka kung anu-ano yung mga tipikal na sagot na isinagot nila. Pero bakit kaya ganun? Nawi-weirdohan ako sa sarili ko kasi wala akong pakelam sa pera eh. Pero hindi ko sinasabi na hindi ko kelangan ng pera ha! Hindi ko lang talaga alam kung bakit nahihirapan ako makipag-usap ng tungkol sa pera, kaya siguro napag-isipan ko na wag nang pag-isipan ang tungkol sa pera. Labo. Sige usapang pera tayo, since karamihan ng mga nagta-trabaho eh kaka-sweldo lang. Speaking of trabaho, nang mawala ako sa industriya ng "Call Center", naisipan kong magtrabaho para sa mga kilalang bangko. Iyon e para sanayin ang sarili ko sa usaping pera. Malamang kasi sa araw-araw na gagawin ni Lord e puro usaping pera ang kakaharapin ko. Walang kawala. Tunog walang palyang plano. Kaya siguro nagtagumpay naman ako at eto, nasa "Telecommunications" industry na ako. Eto na. May trabaho na uli ako. Pero hindi ko maintindihan kung baket ngayon pa ako pinuputakte ng isyu tungkol sa pera kesa noong isa akong dalubhasang tambay!? Pormang walang pera naman ako. Ung tipong tumambay lang siguro ako sa isang gilid ng daan kaharap ang isang lata ng "Alaska", eh malamang yagitz na yatigz ang datingan ko. Pero hindi eh, ang tingin saken ng ibang tao ay para bang kaya kong bilihin ang buong mundo! Mukha ba akong ATM machine?
Sa pilosopiya lang siguro nagkakatalo. Example. Meron akong tropa na may trabaho naman, at sinabi niya saken na meron siyang natitipuang "bebe" na gusto niyang ligawan. Ang kaso, tamang anak ng "Coquangco" o "Lopez" o "Ayala" o kung sino mang kilalang hirodes na mayaman dito sa Pilipinas ang datingan ng bruha. Medyo nakaka-ilang nga naman. Pero sinabi ko pa rin na "Ano naman?!" Malamang kasi kumakain pa rin naman ng kanin un! Tumatae sa umaga. Umuutot ng patago paminsan-minsan. In-short, tao pa rin! Kaya pwede! Eh kaso bigla niyang sinabi saken na wala siyang pera. Anak ng tinapa! Parang nakalimutan ko panandalian ang pinag-uusapan namen. Pero nang bumalik ang ulirat ko, sa isip-isip ko, parang plano nya yata bilihin ung babae. E mahirap talaga un! Goodluck!
Oo. Napaka-ipokrito sabihin na sa panahon ngayon ay hindi mo iko-konsidera ang pera sa kung ano mang gagawin mo. Lalo na dito sa Pilipinas. Lalo na dito sa Maynila. Nakakalungkot nga lang isipin na palaging top one ang tinatawag nilang "pera" sa mga usapin. Try mo pansinin. Matatawa ka na lang siguro sa pagkabigo na sa kahit isang araw, kahit isang araw lang, eh walang magbabanggit ng salitang "pera" sa paligid mo. Pustahan pa tayo oh! May bente pa ako dito sa bulsa. GG ka pramis!
Para sa akin kasi eh simple lang ang buhay. Kelangan mo ng pera, oo, wala akong argumento dun. Pero wag mo kakalimutan na gamit lang din ang pera. Wag mong hahayaan na gamitin ka nito. Hindi mo kelangan magbuhay mayaman. Gaano ba naman ung agahan mo araw-araw Frenchbaker, tanghalian mo Itallianis, hapunan mo T.G.I.Fridays?! Ok na siguro un! Pero mas ok siguro kung babawasan ko kayabangan ko. Pero seryoso, ikaw pa rin naman ang mamimili sa huli. Ano mas gusto mo? Ang problemahin "ang" pera? O, problemahin "ng" pera?
Hhhhhhmmmm... Ano kaya?..
Tama na to'ng topic na to! Nakakaurat talaga! Kain na lang tayo! Cancel na yung pustahan kasi libre na lang kita ng burger, bente pesos, presyong pang-adik, "Buy-one-take-one" jan sa kanto! Tara! ^^
No comments:
Post a Comment