Thursday, May 27, 2010

Silver to a Vampire

I believe there are really vampires on this world. But I think not as exaggerated as the movies would portray it. And I on the other hand, consider myself as a vampire, in the sense that I’m one of those who are awake during night time, and loves to sleep and just laze around during day time, especially, like on a cloudy sky we had today. Scientific explanation lies on ones body or biological clock. Anyway, let’s just say vampires are really vulnerable to silver. And what if someone who is close to them, someone who is unaware of their true story, gave them silver as a gift? If you are that vampire, would you accept it? Or just throw it away and suck the life out of that pathetic human you value the most?

Well! It’s just hypothetical. But with the same level of scenario, it’s one of the reasons I don’t like gifts. Not that I hate it. I just don’t like awkward situations wherein you are caught in between. Two funny things are; I’m also thankful for gifts, well it’s free right?! And it’s mostly given in goodwill and also can be used as an expression of appreciation. And the other one is, when you realize, it’s those awkward situations that also makes life worthwhile.

One of those random thought that occupies my empty mind on the way home.

Friday, May 7, 2010

Bahala na si Batman

Madami na nga ang tunog na pumapasok sa isip ko, iba-iba pa ang tiyempo at pabago-bago pa ang kinakalabasan. Pero hindi pa naman tapos to'. Baka madami pa akong baguhin. Sa ngayon, eto muna ang pagtiyagaan mo sa pinaka-masayang kanta na gawa ng paborito kong pagkakamali. Islaman na! ^^

♫♪ Bahala na si Batman ♪♫
minsanmayisangkamote

Stanza 1

Ok tara, dun' tayo magkita
Hindi maalala, pero hindi sinasadya
Parang kapalaran, sadyang tinadhana
Nang dahil sa mga kanta (dahil ba sa banda?), tayo ay nagkakilala

Stanza 2

Biglang nainip, naisip kong sumilip
Kahit sa puyat mata'y napapapikit
Hindi mo na mapipilit, na lumayo ang pasakit
Wag kang magpapaakit (ano nga daw ulit?), ay teka! baket ka namimilipit

Pre-chorus 1:

Doon sa tulay, habang naglalakbay
Napailing sabay, napamura sa dighay

Chorus 1:

Ang tanga-tanga (amf amf amf!), ang tanga-tanga (ay pu cha!)
Yari ka yari ka, basag sa bakbakan
Ang tanga-tanga (amf amf amf!), ang tanga-tanga (ay pu cha!)
Ah basta ah basta! Bahala na si Batman!

Stanza 3:

Doon sa tambayan, tayo'y nagkukulitan
Ilang minuto pa, sige lang sa harutan
Tila naiinis, wag ka kasing makulit
Ang bangis-bangis! (Imba ba sa lupit?) Oh no! ika'y namimilipit

Pre-chorus 2:

Doon sa tulay, habang binabaybay
Pagkatapos mag-babay, napamura ang sambit ay..

Chorus 2:

Ang tanga-tanga (amf amf amf!), ang tanga-tanga (ay pu cha!)
Yari ka yari ka, classic ang bakbakan
Ang tanga-tanga (amf amf amf!), ang tanga-tanga (ay pu cha!)
Ah basta ah basta! Bahala na si Batman!

Bridge:

Eh ano naman kung nagbabadya, katotohanang mapakla
Hindi dapat mag-alala, basta sumingit ka sa eksena

Chorus 3:

Hala! Ano itong nararamdaman? (Ikaw yata si Batman)
Wag nang mag-alinlangan (Ako nga ba si Batman?)
Sa umaandar na sasakyan (Ikaw talaga si Batman!)
Sige na, iyo nang pag-bigyan (At ako nga pala si Batman)

Outro:

Ikaw. Ako. Ikaw at ako.
Ah basta ah basta, bahala na si Batman

^^

Monday, May 3, 2010

Hagaran Base

Halos para na akong nagbakasyon ng apat na araw simula nung biyernes ng tanghali paglabas ko ng trabaho. At ngayong araw ng lunes, idineklarang "non-working holiday" dahil sa "Labor Day" noong ika-una ng Mayo, at chamba na namang wala na naman akong schedule para sa trabaho. Iniisip ko na tuloy minsan na hindi na chamba ang mga nangyayari. At wag mo akong pagkakamalian, gustong gusto kong walang pasok kapag wala ring pasok sa trabaho o eskwela ang karamihan sa mga tao. Pero sa linya ng trabaho ko, una, hindi sabado o linggo ang wala kang pasok, pero ako, nasa akin yon. Pangalawa lang ang mga "holiday" na ito, at hindi pa pumalya simula ng mga "holiday" nitong taon katulad ng "Holy Week" at "Araw ng Kagitingan", wala rin akong pasok nun, pramis! At pangatlo, madalas magbago ang schedule ko, simula pa nung nagte-training pa lamang ako, pero eksakto palaging nagbabago bigla para sa pabor ko, as in! Merong ngang isang pagkakataon na hindi sinasadayang kailangan pa namin mag-extend ng oras para sa pagpapraktis para sa banda, eksakto na nagtext ang trainer namin noon na inusog sa alas-dos ng umaga ang training at hindi alas-nuebe noong gabi rin ng praktis na iyon! Hindi pumapalya! Salamat talaga Zhang-Ziyi.

At kaya, kaninang halos magta-tanghalian, pagkagising ko, sobrang init na, sobrang nakakatamad pa para gumawa ng kahit ano. Last resort: tambay at DOTA, ang makabago at napapanahong gawain ng mga batugan. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at lumabas ako ng bahay at tinungo ang pinakamalapit na computer shop dito sa amin, pagkatapos na pagkatapos lumamon ng pinaghalong agahan at tanghalian. Sa kalagitnaan ng pagdo-DOTA ko kasama ang iba pang mga magigiting na tambay, nawalan ng kuryente..

Ok sige, lumabas kame ng computer shop mga bandang 4:20 ng hapon, at lantarang tumambay sa daan. May isang nagyaya upang bumili ng "halo-halo", at pumayang ako. Sa halagang bente-pesos, presong pang adik, matitikman mo na ang 1/4 na litro ng langit at tipikal na pampalamig ng mga Pilipino kapag taginit. Habang nakatambay, nakikipag-kwentuhan, at ninanamnam ang pinag-halong tamis at lamig ng "halo-halo", isama mo na ang sustanya na dulot ng usok ng mga dumaraang tri-cycle, meron isa pang nagyaya na maglaro habang wala pang-kuryente at walang magawa; "Mataya-taya", ubusang lahi! Putcha nakakatakot! Ito ang karaniwang laro ng mga bata na "mataya-taya", yun nga lang, kapag may nahuli ka, kasama mo na sya para manghuli ng iba pa, so-on-and-so-forth. Bagamat kaya kong sumali, sobrang tinatamad talaga ako. At isa pa, naguumapaw na ang tiyan ko sa kabusugan sa "halo-halo" at iba pang mga masustansyang chichirya na nginasab ko ng bonggang-bongga kanina habang nanonood ng mga "videos" sa facebook. Pero, pinilit pa rin ako ng iba pa, at ako naman, nagpapilit. Ok fine! Sa aming dose, ako ang pinakamatanda syempre, ang iba pang mga kalahok ay nasa "late-teens" at "early-twenties". Sa simpleng mathematics, malaki ang tyansa na hindi ako ang magiging taya. At ang resulta, ako ang taya, isang kamote. Di hamak na mabilis din naman ako tumakbo, kaya binigyan ko ng partida ang iba para makalayo, at sa simpleng stratehiya na "survival-of-the-fittest" ko naisip na mahuli ang una kong biktima. Ngunit sa huli, nagkaroon ng dayaan sa "area-of-coverage", kaya ayun, wala akong nahuli, at nagdesiyon na akong bumalik.

Sa daan pabalik, may isang malaking patak ng tubig ang dumapo sa paa ko. Dedma. Ilang hakbang pa, isang malaking patak uli ng tubig ang dumapo naman sa balikat ko. Hindi na chamba. Tumingin ako pataas at nakita ang mga namumuong mga ulap. Mukhang dadamayan ako ni kumpareng ulan sa dinadanas ko na pagkatalo. Nang magtipon-tipon uli kame, may nagyaya ng panibagong laro; "Hagaran-Base". Isang laro kung saan ang layunin ng magkabilang grupo ay tapakan ang base ng kalaban upang manalo. Sa kalagitnaan ng masayang laro, sa kalagitnaan ng tag-init, at sa kalagitnaan ng krisis ng Pilipinas sa tubig na isang dahilan na rin kung bakit nawalan ng kuryente, umulan.. Natuwa ang isang kamote.. Gustong gusto nya ang ulan. Ilang saglit pa, bumuhos ang napakalakas na ulan na may dala-dalang malalaking patak. As in Imba! Ngayon na lang ulit ako nakaligo sa ganito kalakas na ulan mula noong taginit din, habang nakatambay sa magandang dalampasigan ng La-iya, Batangas.

Kagabi, nagkaroon ako ng panahon para makapag-isip, pagkakataong masagot ang karamihan sa mga tanong ko, at nagpatibay sa linya ng pagiisip ko hanggang ngayon. At tulad ng laro ng "hagaran-base", naisip ko na ang lahat ng tao ay mayroong layunin na tapakan ang base ng kani-kanilang mga pangarap. Mahirap man o madali, nakakapagod man o hindi, malalaman mong mas magiging masaya ito kung kalaro mo ang mga taong importante sayo.

Ngayon, kakatapos ko lang maligo. At mamayang alas-tres ng madaling araw, balik trabaho na ako. Isang panibagong pagkakataon na naman. Maraming salamat talaga sa isa pang tyansa, at nakakasama kita sa laro ng buhay. ^^