Kinapos at nahuli na naman ako sa oras para sabihin ang dapat kong sabihin dahil sa dalawang salita o bagay na pinagtatalunan pa sa isip ko kung ano ba talaga dapat ang pamagat. Kung hindi man, sakto lang rin siguro para malaman ko kung ano nga.
Eto.
Lahat ng sinabi ko sa'yo totoo. Ibig kong sabihin ang lahat ng salitang pinakawalan ko. At kung ano man ang dahilan ko dati na sinabi ko noon, hayaan mong ulitin ko, na ganon pa rin ang dahilan ko ngayon. Ikaw na rin ang muling nagbukas ng natural kong isip. At ikaw din ang tumulong para bumangon muli ang puso ko at hayaang muling lumakad at magpatuloy.
Gusto kong maglaro. Sino ba naman ang ayaw? Masaya yon eh! Pero sa tingin ko hindi sa paraan na gusto mo. Ngunit hindi nangangahulugan na hindi ko ito kaya at hindi ko ito gagawin. Pinipili ko lang palagi na wag na. At bilang muling pagsalungat, binibigyan lang kita ng partida sa ginagawa ko ngayon dito. Kahit na naguumapaw ang tyansa na ako talaga ang talo. Ayos lang saken. Hindi naman ako nag-iipon ng panalo.
Gayun pa man, titignan ko na lang kung sino ang mananalo. Ang tigas ng ulo ko, o, ang tibay ng puso ko para sa'yo.
Sa'yo, tulad ng hiling ko dati, wag mong ipagdamot na ipakita ko ang nararamdaman ko bilang paghanga sa ginawa mo.
At para naman sa ikatatahimik ng naiisip ko, tulad ng nabasa ko dati, ibibigay ko na ang linya, "angtangatangamotalagaelmopakshetkaamf!".
Ano? handa ka na ba?
Ako, hindi pa.
Pero hayaan mo lang.. ^^
No comments:
Post a Comment