Yan ang tugtog ko ngayon dito sa bus pauwi. Nakumpleto na naman ang sangkap ko sa pagsusulat. Nasa loob ng isang umaandar na sasakyan (sobrang partida), mp3 player, ballpen, likod ng notebook, at blangkong utak. At meron pa yata akong nakalimutan, isang usyosong katabi. Ayos! Game!
Ano nga pala sa Pilipino ang blackhole? Putcha. Basta sa pagkaka-alam ko, ang blackhole ay isang lugar sa kalawakan na kung saan ang isang araw o bituin ay nasira, at dahil dito, nagkakaroon ang lugar na ito ng isang malakas na pwersa upang hatakin, pilipitin, at sirain ang lahat ng bagay sa paligid nito, kahit ilaw o liwanag. Sa madaling salita, delikado daw pumunta dito. "Daw". Ang iba naman ay sinasabing sa gitna daw nito ay, maaaring, isang lagusan papunta sa isang partikular na panahon. Sauce! Napanood ko na to'! Ayawan na!
Pero seryoso, pinili ko pumunta sa isang blackhole ngayon. Maari naman ako manatili dito sa mundo at mamuhay ng matiwasay. Pero, ganoon pa rin ang dahilan ko, kung maganda man ang pupuntahan o hindi, naniniwala pa rin ako sa sinasabi ng iba na, dapat mong pahalagahan ang paglalakbay katulad ng pagpapahalaga na ibinibigay mo sa pupuntahan. At sa paningin naman ng iba pa, ang pagpunta sa isang blackhole ay isang malaking kahangalan at katangahan. At kelan ko nga pala uli inisip ang tungkol sa iniisip ng iba?
Sobrang hirap mag-adjust. Napakadaming dapat gawin. At napakadaming bagay na ayoko nang gawin. At mga bagay na ayoko munang bigyan ng pansin at gawin. Sobrang daming nakasanayan na dapat nang alisin. Para akong nagpapakamatay sa sobrang pagiging tapat sa sarili. At syempre kapag may bida, hindi pwedeng walang kontrabida, ang oras.
At oo nga pala, may isa akong nakalimutan sabihin dati sayo dito. Totoo ang chismis! Callboy na ako! Sobrang huli na ako sa pagsasabi. Hindi ko talaga lubos maisip at paano ako napasok sa ganitong trabaho. Ganoon pa man, nagpapasalamat talaga ako.
Masaya to! ^^
No comments:
Post a Comment