Yan ang unang tanong na nabuo ng isip ko habang tuloy pa rin sa pag-karipas ng takbo ang oras. Habang ako, mahuhuli na sa trabaho, nangangamote, sa nakatigil na jeep na sinasakyan. Pangkaraniwan na Lunes ng umaga, inaasahan ko ang dagsa ng mga taong papasok sa trabaho. Mahigit sampung minuto na ang nakalipas, at tila isang tagpo sa pambatang palabas tuwing Linggo ng umaga, ang isang pagaspas ng hangin na may dala-dalang nagiisang dahon, ang dumaan paikot sa harap ko, kasabay ang katahimikan at mistulang pagtigil ng mundo sa loob ng tatlong segundo. At ayun, nagiisa pa rin akong pasahero sa jeep.
Nitong mga nakaraang buwan, maraming nangyari. Nandyan ang mga sunod-sunod na bagyo, kasunod ang baha, bagyo uli, isama mo na ang laban ni Pacquiao at Cotto, pati ang kaarawan ko. Basta lahat! At sa dami ng mga nangyari, sumunod ang mga tanong sa isip ko. Bakit nagmamadali ang mga tao? Para saan ang pinaglalaban ng mga tao? At ano ang pinaglalaban ng mga tao?
Sa mga nagdaan, hindi ko maikakaila ang mga sugat na natamo ko. Nahihirapan akong takpan ito sa pamamagitan ng mga ngiti sa mukha ko. Hindi ako malakas tulad ng iniisip mo.
“Manong bayad po!”
Parang walang patutunguhan ang mga naiisip ko ah?! Tae. Kaya ayokong nababakante. Pero wala rin akong nagawa, masakit man sa kalooban ko, nahuli pa rin ako sa trabaho ng siyam na minuto. Dahilan para bumalik na naman ang tanong ko kanina.. Papasimplehin ko ito ngayon..
May gamot ba sa oras?
No comments:
Post a Comment