Sunday, March 29, 2009

Fail!

Pero hindi rin!

Pagkatapos hindi gumana ng second hand electric bass na nabili ko from a friend of a friend, nangamote sa bagbaba at pagakyat ng stage at manghiram ng bass sa ibang banda kagabi, haha, ayos! Pinahiram saken ang five string bass! Yun nga lang, nakatahi ang strap, customized for it's owner. Since medyo payat sya kesa saken, hapit ang dating nang pagkakayakap ng gitara sken, at mataas ang hawak ko sa leeg ng gitara.. Ok pa rin yun! The show must go on! Eto pa malufet, syempre may kumukuha ng picture at video, isiping mo, naka-five string si Elmo! For the first time! Kahit naubos ang sampung minuto namin sa stage kaka-set-up, pinayagan pa rin kame ng production na kumanta ng tatlong kanta! (thanks Ice!) Ayos! Sa ngayon, nakatulog na ako, at naayos na ang bass ko. Tae, may nataggal lang pala na isang wire sa loob (Dodo, salamat sa pag-solder).

All-in-all, maayos ang naging takbo ng gig. Masaya naman lahat ng mga guest at tropa namen.

Eto naman na ang kasunod ngayon. Kelangan naman namen ngayon mag step-up..

Sa banda, sa gitara, sa sarili... Isa lang ang naiisip kong kailangan pa namen ma-improve. Although 3.0 lang ang nakuha ko ng college dito e, sa tingin ko ok lng to kase katulong ko naman ang mga tropa...

Chemistry.

No comments: