Wednesday, February 4, 2009

Wala lang.

Kumalog ang jeep. Naramdaman ko na ang senyales na malapit na akong bumaba. Inangat ang ulo mula sa bag na nakapatong sa dalawang tuhod. Dinilat ang mga mata. Tumingin diretso sa harap at inilagan ng tingin ang nasa harap na pasahero, tinignan ang kalsada, ok! Tumingin sa likod, ok! Tumingin sa kaliwa nakita ang kasunod na jeep, at nakita ng malaking board nito sa taas, "Katas ng Saudi". Tumingin sa kanan habang inilagan ang tingin ng driver mula sa kanyang rear-view mirror(oi manong nagbayad ako ha!), nakita ang crossroad, ok! Pwede na. Sinamantala ang nakahintong trapiko.

Elmor: Kuya saglit lang po!

Narinig ang aking senyales, bumaba ang lakaki na nasa tabi ng pinto na kanina pa nagdadalawang isip na bumaba, na kanina pa nakahakbang ang kaliwang paa sa unang baitang ng hagdan. Bumaba siya. Sunod na ako. Pagbaba..

Elmor: Hayz!

Bagsak ang balikat. Tumigil ng dalawang segundo para tumingin sa paligid(at magpapogi! jowk!). Isinukbit ang kanang strap ng back-pack sa kanang balikat. Tumingin sa kanan, tumawid. Lakad. Lakad. Nakita ang telebisyon mula sa isang electronics shop, nakabukas. Tumigil. Ang ganda ng artista na yon ah! Inalis ang tingin sa T.V.. Tumingin sa daan. Naglakad habang isinasabit ang kaliwang strap ng back-pack sa kaliwang balikat. Naglakad.
Pagdating sa kabilang kanto, sa ilalim ng "Arko", gilid ng daan, nagtitipon ang mga tao. Meron sa kanila ang may hawak na kandila, un iba nakasindi at ung iba hindi. Yung ibang tao, "Uzi". Tumingin ako sa kabilang kalsada, sa ilalim ng "Arko", sa gilid ng daan, ganun din. Pero sa pagkakataong ito, may "bebe"! Kaso ang layo. "Dedma" na lang. Tumuloy ako sa gitna ng kalsada, maluwag. May tumawag sa gilid..

Tita Jean: Manedyer!
Elmor: Ow? Sakto! Ano meron?
Tita Jean: "Prosisyon"! Tagal nga e! Sama kame.
Elmor: Aaaa... Sige, dito na me!
Tita Jean: Ok, sige!

Lakad. Lakad. Pangatlong kanto, tumingin sa mga tropa sa harap. Bumagal ang lakad. Namulsa(dalawang kamay). Nagpapogi ng lakad. Ilang hakbang pa..

Millard: Hi Elmo! (lumapit, at payakap sa kaliwang braso ko)
Elmor: So ano, bukas, tuloy? (ngumiti habang tinanggal ang kaliwang kamay mula sa kaliwang bulsa upang pasimpleng makawala ang braso sa yakap)
Millard: Di ko sigurado. Wala akong pamasahe e! Sama ka ngayon!
Elmor: San? (nakawala na, at bumalik sa pamumulsa)
Millard: Sa "Pinagbuhatan", dadayo. Kasama ako sa lalaban.
Elmor: Aaaa.. Ganon? Dito na lang ako. Mamaya sabihin mo saken kung sigurado ka ha!
Millard: Ah ok! Pahiram limang piso... sige na!
Elmor: Hiram to ha! (asa ka pa! malayo sa katotohanan ang ganyan!)
Pompi: Clan Lord! Sama ka! (pasingit na sigaw)
Elmor: Hinde sige ok lang ako dito..

Ngumiti. Tumalikod. Naglakad. Pumasok sa iskinita. Medyo madilim.
Nakayuko. Lakad. May pasalubong na naglalakad..

Taurus: Fafs! Elms!
Elmor: Ow! Dadayo sila ha! (hindi tumitigil sa paglalakad)
Taurus: Oo nga e. Sama nga ako e! (papalayo na ang boses)
Elmor: mmmmm...

Lakad. May kasalubong uli..

Elmor: May laban sila ngayon sa pinagbuhatan ah! (hindi pa rin tumitigil sa paglalakad)
Jade: Ganon? Tignan ko. (palayo na rin ang boses)

Lakad. Liko. Lakad. Nakarinig ng kanta sa dinaanang bahay..

(radio): "sabihin mo na... kung babalik ka pa.. para di na maghintay..."

Napamura sa sarili, "taena emo na naman".
Lakad. Liko. Lakad...
Binuksan ang gate. Pumasok. Napansin na may humahabol sa pagpasok. Habang sinasara ang gate..

Elmor: Hi Bubbles!
Bubbles: Meow!

No comments: